Noel Cabangon at Davey Langit bumisita sa Pinas FM 95.5

Singer-songwriter Noel Cabangon at Davey Langit ay masayang nakipagkuwentuhan sa ating mga ka-Pinas sa kanilang muling pagbisita sa Pinas FM 95.5.

Payo nila sa mga song writers na gustong sumali sa mga song writing competitions ngayong Linggo ng Musikang Pilipino ay “write a song na wala pa at wala na” dahil mayroong kani-kaniyang ‘taste’ ang mga judges.

Ayon pa sa kanila “ikaw ang bahalang humanap ng angle kung paano mo ikukuwento ang isang kanta” dahil sa marami na ang mga aspiring song writers at lahat ng kanta ay naisulat na.

Handog naman nila sa atin ngayon ang kanilang concert na “Dreaming of Home” na gaganapin sa Music Museum sa September 14, 2018.

Para sa updates maaring bisitahin at i-follow ang kanilang social media accounts:

Facebook: @NoelCabangonMusic @daveylangitmusic
Twitter: @noelcabangon @iamdaveylangit

(written by Mikaela Victa, photos captured by Diana Lescano)

You may also like...