Indie film entry ni Gerald Anderson na “Awol” sa Pista ng Pelikulang Pilipino, malapit ng mapanuod

00

Sa kauna-unahang pagkakataon ng pagbisita ni Gerald Anderson dito sa nag-iisang tahanan ng OPM, ang Pinas FM 95.5 ay ibinahagi niya sa atin ang kaniyang bagong pelikula na pinamagatang “Awol.”

 

Ayon kay Gerald, ang pelikulang “Awol” ay patungkol sa sundalo na gagawin ang lahat para maprotektahan ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sa pelikulang “Awol” ay masasaksihan natin ang pagganap ni Gerald Anderson bilang Lt. Abel Ibarra na pakakaabangan natin. Ayon pa sa kanya, napapanahon ang pelikulang ito, sapagkat masasalamin dito ang buhay at karanasan ng mga sundalong sumasabak sa giyera.

Kaya sa darating na Agosto 16 hanggang 22 ay inaanyayahan tayo ni Gerald Anderson na manood ng “Awol” na pasok sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Ito rin ang kauna-unahang pagsasagawa ng Pista ng Pelikulang Pilipino na gumawa ng ganitong aktibidad. Kaya naman huwag itong palalampasin dahil talagang swak sa panlasang Pinoy, pagdating sa pagpapalabas ng dekalidad na pelikulang Pilipino.

Maraming salamat Gerald Anderson sa pagbisita sa nag-iisang OPM ng bansa ang Pinas FM95.5.

(written by Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube