“Nakakalokal” ni Mr. Ogie Alcasid maririnig na sa Pinas FM 95.5

00

Bumisita ang singer/songwriter, President of OPM at Commission of the EDSA People Power Commission na si Mr. Ogie Alcasid upang i-promote ang kanyang pinaka-latest album na Nakakalokal (under Star Music).

Sampung magagandang kanta ang napapaloob sa nasabing album, nabanggit din niya na kasama niya ang kanyang asawa na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa isang buong medley.

 

Sa ating pakikipanayam ay naibahagi niya ang pagtatrabaho kasama ang Philharmonic Orchestra na kung saan alam natin na mahuhusay sa larangan ng pagtugtog ng iba’t-ibang musical instruments.

Ang kanyang kantang “Nakakalokal” ay tribute niya sa Original Pinoy Music (OPM) at kung saan ay ito rin ang theme song ng Himig Handog ngayong taon.
Naibahagi din niya ang ilang kanta mula sa kanyang bagong album kagaya ng “Ikaw ang Tanging Pag-Ibig Ko, Akala Ko, Di na Muli at Hindi ka Pababayaan.”

Si Mr. Alcasid din ang lahat ng nagsulat ng sampung kanta na napapaloob sa kanyang bagong album, “Pagiging selfish ba yun?” biro niyang tanong kina DJ Apple Chiu.

Naibahagi niya rin na ang pinakamahalaga daw sa pagsusulat ng isang kanta ay dapat makapag communicate ka ng maayos at tama sa mga listener kasama na din rito ang mga element, lyrics at kung paano mo kakantahin.

Tara na at panoorin ang OPM Birthday Concert ni Mr. Ogie alcasid sa Kia Theater sa August 25, 2017, 8pm.

Para sa updates sa buhay ng nag-iisang Ogie Alcasid, i-follow natin sya sa kanyang social media accounts:

Facebook: www.facebook.com/OgieAlcasid.Official
Twitter: @ogiealcasid
Instagram: @ogiealcasid

(written and photos captured by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube