“My 2 Mommies” directed by Mr. Eric Quizon

Bueno mano para sa buwan ng Mayo ang isa sa mga premyadong actor , direktor , at isa sa mga anak ng nag-iisang Comedy King ang ating nakapanayam ngayon,siya ay si Eric Quizon.

Bagamat nakilalang magaling na actor si Eric Quizon, hindi naman matatawaran ang galing nito sa likod ng kamera (bilang direktor). Dahil na din sa tagal niya sa industriya ng showbiz at pagiging malikhain niya sa pagganap sa pelikula, ito marahil ang nag-udyok sa kaniya para pasukin ang pagdidirek ng mga pelikula.

Dagdag pa niya, hindi ito dahil sa impluwensiya ng kaniyang mga magulang o dahil siya ay Eric Quizon, kundi ito ay talagang masusi niyang pinag-aralan, maging sa pormal na edukasyon.

Kaya naman sa kaniyang pagbisita sa atin, inaanyayahan niya tayong panuorin ang kaniyang obra na “My 2 Mommies” na pinagbibidahan ni Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff.

Ang “My 2 Mommies” ay mapapanuod na sa mga sinehan sa May 9, kaya sugod na mga ka-Pinas!

(written and photos captured by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos)