Moxx De Vera sa Pinas FM 95.5

Isang Funbansang hapon ang inihatid ng ating bisita na isang batikang host, siya ay si Moxx De Vera kasama ang ating kaisa-isang DJ Apple.

Si Moxx De Vera ay ang nakatatandang kapatid ni JC De Vera. Nakilala si Moxx De Vera bilang isa sa professional host sa iba’t-ibang mga event.

Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo sa mga workshop ito ay ang “Inner Voice Workshops.” Ang workshops na ito ay para sa mga gustong maging professional host. Ang layunin ng workshop na isinasagawa nila ay para mahikayat ang mga kabataan na magamit ang kanilang boses di lang sa pagkanta kundi pati na din sa paghohost, voice actor o pagiging DJ.

Maaaring mag inquire sa /www.facebook.com/yourinnervoiceworkshops.
Facebook: @moxxdeverapro
Instagram: @moxxdeverahosts

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured Lovely Ann Cruz)