Milla Poblete, muling nakisaya sa Pinas FM 95.5

00

 

milla-poblete-2016-8

Muling bumisita sa Pinas FM 95.5 ang ngayo’y only female member ng bandang “Hotdog” na si Milla Poblete.

Gaya ng ibang mang-aawit, nagsimula si Milla sa industriya sa pagsali-sali niya sa iba’t-ibang amateur singing contests. Kung mayroon nga raw siyang iniidolo noon pa man at kung papalarin, balang araw ay kaniyang maka-duet on-stage, ito ay walang iba kundi ang tinaguriang Asia’s Nightingale na si Ms. Lani Misalucha.

 

Ibinahagi ni Milla na kasalukuyang downloadable ang iba’t-iba niyang kanta sa music apps tulad ng Spotify at iTunes, particular na ang kaniyang latest single na pinamagatang “Paano”. Ang awiting ito ay ayon raw sa kung paano nga ba lumimot ng isang tao, o sa madaling salita, kung paano mag-move on. Ito ay produced ng Viva Records na kung saan siya ay higit na nagpapasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kaniya.

milla-poblete-2016-7

Sa kasalukuyan, ayon kay Milla, on-going ang negosasyon niya sa composer ng kaniyang single upang makipag-kolaborasyon dito. Sa ngayon ay may pito na siyang kanta at kasalukuyan din itong iniipon sa pag-asang balang araw ay magkaroon rin siya ng sariling album.

 

Matutunghayan si Milla kada Lunes sa regular shows niya sa EDSA Shangri-La, habang tuwing Biyernes naman ay mapapanood siya sa Discovery Suites sa may Ortigas.

milla-poblete-2016-4

Abangan rin si Milla at ang iconic band na Hotdog sa March at April sa nakatakda nilang US tour na susundan ng pagpunta rin nila sa New Zealand at Australia.

milla-poblete-2016-1

Para sa iba pang updates, i-follow si Milla Poblete sa mga sumusunod na social media accounts:

Facebook: www.facebook.com/miles.poblete.3
Twitter: @miloespoblete
Instagram: @millapoblete

(written by Azon Lopez Silverio, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos by Jacob Isais)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube