“May Pa-Concert Si Mayora” ni Baninay Bautista ibinida sa Pinas FM 95.5

00

Isang masayang usapan mga ka-Pinas ang napakinggan natin sa Pinas FM 95.5 dahil nakasama natin si Baninay Bautista.

Si Baninay Bautista ay sumali sa isang reality show at sa kasalukuyan ay patuloy na nakikilala pa sa pagiging Vlogger.

Napag-alaman natin na nagmula si Baninay sa Batangas at bago sumali sa isang reality show ay isa siyang estudyante sa kolehiyo na ang kurso ay Accounting Management.

Sa pakikipagpanayam sa kaniya ni DJ Apple nakita natin ang galing niya sa pagkanta ng magsample siya ng isang awitin ng paborito niyang singer. Tiyak hindi lang pagkanta ang makikita natin mga ka-Pinas at marami pang surpresa ang ihahanda sa atin ni Baninay para sa nalalapit niyang concert.

Kaya sa pagbisita ni Baninay Bautista mga ka-Pinas ay inaanyayahan niya tayo sa nalalapit na concert sa Agosto 5 na pinamagatang “May Pa-Concert Si Mayora” sa Music Museum.

(written by Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube