Matteo Guidicelli bumisita sa Pinas FM 95.5

00

Isa sa mga hinahangaang aktor at magaling na singer ang bumisita sa atin mga ka-Pinas, siya ay si Matteo Guidicelli.

Bago pa man pumasok sa showbiz, nakilala na si Matteo bilang isang triathlete kung saan hanggang ngayon ay patuloy pa din ang kaniyang pagasali sa mga kumpetisyon sa kabila na pagiging abala niya ngayon sa kaniyang showbiz career.

Kilala din si Matteo pagdating sa pagkanta, katunayan ay mayroon na siyang nagawang album na alay niya sa kaniyang mga tagahanga.

Kasabay naman ng paglabas ng kaniyang ikalawang album ay gaganapin naman ang kaniyang concert na may pinamagatang “Hey Matteo” na siya din pamagat ng nasabing album.

Tunay ngang hindi matutumbasan ang mga tagumpay na tinatamasa ni Matteo, kaya naman bilang pasasalamat ay muli niyang inaanyayahan ang kaniyang mga tagahanga na muling suportahan ang kaniyang concert na gaganapin sa KIA Theater, sa November 30, 2017

Para sa updates, maaaring bisitahin ang kaniyang social media accounts:

Facebook: @offficialmatteogudicelli

Twitter: @mateogudicelli

Instagram: @mateogudicelli

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube