Mary Joy Apostol, first time bumisita sa Pinas FM 95.5

First time bumisita sa Pinas FM 95.5 ni Mary Joy Apostol na kamakailan lang ay tinaguriang Best Actress sa unang ASEAN film awards na ginanap sa Da Nang, Vietnam.

Nakilala ang dalagang aktres sa internationally awarded film na “Birdshot” (2016) na siya ring unang Filipino film na naipalabas sa Netflix.

Ngayon, inihahandog naman sa atin ni Mary Joy ang upcoming horror film niya na “Eerie,” kung saan mapapanood din nating gumanap sina Bea Alonzo, Charo Santos, Jake Cuenca, at Maxine Magalona.

Liban pa rito’y inaanyayahan niya rin ang lahat na suportahan at iboto sa Top 10 Pinas Song Hits ng Pinas FM 95.5 ang kaniyang awitin na “Magkasama”.

Para sa iba pang updates sa kaniyang mga pagganap, interviews, at guestings, i-follow natin ang kaniyang official social media accounts:

Facebook: @apostoljoy18
Twitter: @majoyapostol
Instagram: @iammajoy_

(written by Phoebe Salvador, edited by Mary Rose Bonalos, photos captured by Diana Lescano)