Marinel Santos sa Pinas FM 95.5

Isang napaka-sayang kwentuhan ang hatid sa atin ng ating PinaSpecial guest na si Marinel Santos sa Funbansang Hapon with DJ Apple.

Kamakailan lang ay nagviral ang kaniyang video kung saan siya ay kumakanta sa mall ng “Bukas Na Lang Kita Mamahalin.”

Ikinuwento niya kung paano siya nakumbinsi ng mga nagtatrabaho sa isang store para kumanta at ito ay kinuhaan ng video ng kaniyang ina. Umabot na ang naturang video sa halos 600,000 views sa Facebook.

Matatandaang isa si Marinel sa nakaabot sa finals ng isang reality show na Star In A Million kung saan kasama niya sina Erik Santos, Sheryn Regis, at Mark Bautista.

Kasalukuyang nandito si Marinel sa Pilipinas upang magbakasyon.

(written by Tricia Julian Olatan, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Judy Ann Lorenzana)

You may also like...