“Mandirigma” ng Banda ni Kleggy

Madaming awitin na ang napasikat ng naging bisita natin, sila ay walang iba kundi ang Banda Ni Kleggy.

Sa muling pagbisita nila sa atin mga ka-Pinas may magandang balita sa atin ang Banda Ni Kleggy.

Ayon sa “Banda Ni Kleggy” isa sila sa napili ng Warner Music na mag-record ng isang awitin.

Ang awiting ito ay kanta ng Alamid na pinamagatang ” Your Love”.

Ito ay para sa ika-25th anniversary ng bandang Alamid.

Kaya ikinatutuwa ng Banda Ni Kleggy na maging bahagi sila sa mga aawit ng isa sa naging hit songs ng bandang Alamid.

Bukod iyan handog din sa atin ng Banda Ni Kleggy ang kanilang latest single na pinamagatang “Mandirigma”.

Ang kwento ng awitin ay ukol sa Manindirigma ng awitin.

Para malaman natin kung ano ang mensahe ng awiting “Mandirigma” maaari na itong mapakinggan sa YouTube at iba pang social media sites.

(written by Lovely Ann Cruz, photos captured by  Rein Cabalic)

 

 

You may also like...