“Maling Pag-Ibig” awitin ni Marion Aunor para sa pelikulang “Baka Hanggang Dito Na Lang”

Isang magandang panauhin ang bumisita sa Funbansang hapon mga ka-Pinas walang iba kundi si Ms. Marion Aunor.

Hindi lang siya nakipagkulitan sa atin mga ka-Pinas, binahagi niya rin ang kuwento sa likod ng kaniyang latest single na “Maling Pag-ibig” na ginamit sa OST ng pelikula nila ni Xian Lim at Louise Delos Reyes na “Hanggang Dito Na Lang”.

Ayon kay Marion maraming makaka-realate sa kantang “Maling Pag-ibig”, lalo na sa mga taong walang label ang pagsasama. “Sino nga ba ang mali? Ang taong nagpaasa o yung taong umaasa.

Ang kantang Maling pag-ibig ay mapapakinggan na sa iba’t-ibang digital platform.

At para sa iba pang mga updates tungkol kay Marion, maari niyo siyang i-follow sa kaniyang mga social media accounts.

twitter/instagram/YoutubeChannel: @MarionAunor

Facebook: @MarionAunorOfficial

(written by Rhinalyn Grados, photos captured by Grace Era Cruz)

You may also like...