“Maibalik” bagong single ng JBK sa Pinas FM 95.5

Nakasama natin muli ang bandang JBK kasama si DJ Ella.

Ang JBK ay binubuo nila Joshua Camacho Bulot, Bryan Doronilla del Rosario at Kim Laurenz Ordonio.

 

Hindi lang magandang lalaki ang JBK talaga naman natatangi din ang husay nila sa pagkanta.

Katunayan hindi lang sila panglokal kundi pang-international ng sila ay nakasali  sa isang sikat na talent competition sa telebisyon ang “The X Factor UK.”

Tinanghal din ang JBK din na panalo sa “Dreams Get Real: The Search for the Next OPM Star”.

Sa pagbisita muli ng JBK handa na naman nila tayong pakiligin, dahil sa handog nilang latest single na pinamagatang ” Maibalik”.

Maaari itong mapakinggan sa iba’t-ibang digital platforms at maaari rin iboto sa Pinas Song Hits Top 10.

Para sa upcoming shows at details sa kanilang on-road to The X Factor UK, i-follow ang JBK sa kanilang social media accounts:

Facebook: JBKbandofficial
Instagram:JBKbandofficial
Twitter: @JBKbandofficial

(written and photos captured by Lovely Ann Cruz)

You may also like...