“Love is Easy” ni Maris Racal sa Pinas FM 95.5

Nakipag-kulitan sa atin ang actress, singer at song writer na si Maris Racal kasama si DJ Apple sa Funbansang Hapon.

Nandito siya upang i-promote ang kanyang bagong awitin na pinamagatang “Love is Easy” na siya mismo ang nagsulat, bahagi ito ng kanyang album na “Stellar.”

Sinabi pa ni Maris anim na kanta sa kanyang album ang siya mismo ang nagsulat.

Inaanyayahan din tayo ni Maris na suportahan ang kanyang upcoming movie na “I’m Ellenya L.” kasama ang kanyang love team na si Iñigo Pascual.

Para sa mga updates sa buhay ni Maris, i-follow natin siya sa kaniyang social media accounts.

Facebook: @TheOfficialMarisRacal

Twitter: @MissMarisRacal

Instagram: @mariesteller

(written by Abrah Ann Subaria, photos captured by Zairah Malaluan)

You may also like...