Loisa Andalio, nakipagkulitan kay DJ Apple sa Pinas FM 95.5

10

Isa na naman sa pinakahinahangaang artista ng henerasyon ngayon ang bumisita at nakipagkulitan sa Pinas FM 95.5 kasama si DJ Apple mga ka-Pinas, siya ay si Josefina Loisa Andalio!

Si Josefina Loisa Francisco Andalio o mas kilala sa pangalang Loisa Andalio ay unang nakita sa telebisyon noong siya ay sumali sa Philippine reality show na Pinoy Big Brother: All In noong 2014 kung saan siya ay binansagang “Talented Darling ng Parañaque”. Siya ang huling teen housemate na na-evict bago natapos ang TV show.

 

Matapos ang kanyang pagsali sa PBB: All In ay sunud-sunod na ang kanyang naging appearance sa telebisyon kung saan ay naging isa siya sa mga cast ng teleseryeng “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita”, “Home Sweetie Home”, “Crazy Beautiful You,” “My Dear Heart” at marami pang iba.

Sa kasalukuyan ay miyembro siya ng all-girl dance group na GirlTrend na nagpeperform sa noon time show.

 

Sa ating panayam ay naibahagi ni Loisa ang kanyang mga di malilimutang experiences sa loob ng PBB House. Pati na rin ang kanilang digital concert kung saan ay nakasama niya sina Maris Racal, Sue Ramirez at Kristel Fulgar.

Para sa mga updates at schedules ay maaari ninyong i-follow ang kanyang social media accounts:
Facebook: @JosefinaLoisaAndalio
Instagram: @iamloisaandalio

(written and photos captured by Arlyn Dungao, edited by Mary Rose Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube