“Ligaya” ni Christian Bautista

Marami ang natuwa sa pagbisita ng Asia’s Romantic Balladeer, Christian Bautista dito sa Pinas FM 95.5.

Bumisita siya para i-promote ang kanyang sariling rendition ng “Ligaya” ng Eraserheads.

Pagbibida ni Christian, ito aniya ay mas “slowed down version” ng kanta, na bagay na bagay sa panghaharana.

Kamakailan lamang ay naikasal na si Christian sa kanya ngayong asawa na si Kat Ramnani sa Bali, Indonesia.

Iniimbitahan tayo ni Christian sa kanilang concert ni Julie Anne San Jose na gaganapin sa Iloilo Convention Center, Mandurriao, Iloilo City ngayong January 27, 2019.

At para maging mas updated pa sa mga latest happenings kay Christian Bautista, maaari niyo na siyang i-follow sa kanyang social media accounts.

Facebook: Christian Bautista (Official)
Twitter & Instagram: @xtianbautista

(written by Iris C. Tamor, photos captured by Grace Era Cruz)

You may also like...