Latest single ni Tony Labrusca, ibinida sa Pinas FM 95.5

00

Bumisita ang isa sa mga sikat na artista ngayon sa industriya ng pag-arte na si Tony Labrusca upang i-promote ang kanyang latest single na “Tanging Ikaw.”

Si Tony Labrusca ay anak ng sikat na aktor na si Anthony Labrusca at ni Angel Jones na isa sa mga miyembro ng 90’s hip-hop group na “Kulay.”
Nasusubaybayan natin si Tony noon sa Pinoyband Superstar kung saan isa siya sa mga contestant sa nasabing patimpalak.

At sino bang hindi makakaalam ng kaniyang commercial na fast food chain dito sa Pilipinas kung saan tumayo siyang ex-boyfriend ni Elisse Joson sa “Tuloy pa rin ang Awit ng Buhay Ko”. At ngayon nasusubaybayan natin siya gabi-gabi bilang Jake na lobo sa teleserye ng malaking TV network.

Ibinahagi sa atin ni Tony ang kanyang bagong single na siya mismo ang nagcompose. Ayon sa kaniya ang mga naging inspirasyon niya sa paggawa ng kanta ay ang “K-Pop Music” dahil sa upbeat style nito, pero mas gusto daw niya yung mas interesado at makakarelate ang mga makikinig sa kanya.

Sa edad na 15, ay sumubok na siya ng iba’t-ibang activities kagaya na lamang ng Gymnastics at malaki din ang naitulong nito dahil nagagamit niya ang kanyang pagiging flexible sa kanyang bagong teleserye ngayon.

Nagpayo pa si Tony na dapat sa isang relationship ay magkaroon ng magandang komunikasyon at naikwento niya rin na isa sa mga ideal girl ng isang Tony Labrusca ay pure Filipina.

Ibinahagi niya din sa ating mga ka-Pinas na gusto niyang makatrabaho sa sususnod ay ang tambalang LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil), si Sue Ramirez na isa din daw sa mga malalapit niyang kaibigan, si Maris Racal at si Ysabel Ortega na leading lady niya sa kanyang music video ng kanyang bagong single.

Sundan natin ang gwapung-gwapo na si Tony Labrusca sa kanyang mga social media sites:
Facebook: Anthony Labrusca Fan Page
Twitter: @tonythesharky
Instagram: @tony.labrusca+

(written by Cyrrel Asuncion, edited Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube