Latest single ni Natsumi Saito na ‘It’s Never Easy’ dito sa Pinas FM 95.5

00

Isang Japanese idol at model turned singer ang bumisita dito sa Pinas FM, siya ay walang iba kundi si Natsumi Saito.

 

Si Natsumi Saito ay una nating nasaksihan sa isang sikat na talent show kung saan ka batch niya sina Darren Espanto .

 

Napag-alaman natin na 5 years old pa lamang ay mahilig na siyang kumanta, ang kauna-unahang kanta na natutunan niya ay ang Forever’s Not Enough ni Sarah Geronimo.
Ayon pa kay Natsumi ay talagang hilig na niyang kumanta at sumali sa mga contest.

Naibahagi rin niya ang mga kaganapan sa buhay niya ng matapos ang The Voice, aniya ay nagkaroon siya ng maraming kaibigan, fans at followers na hindi niya akalain na nangyayari sa buhay niya ngayon.

Masaya ding ikinwento ni Natsumi na ang kanyang latest single na “It’s Never Easy” ay parte na ng isang album kung saan ma-re-release na ngayong buwan.

 

Para sa ibang detalye ng kanyang bagong album, mga gigs, shows at update sa buhay ng napakagandang si Natsumi Saito ay i-follow lamang natin siya sa kanyan social media accounts:
Facebook: Natsumi Saito
Twitter: @xxvnatsumii
Instagram: @xxvnatsumii

(written by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Arlyn Dungao)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube