Latest single ni Mr. Erik Santos na “Narito Ako” mapapakinggan na sa Pinas FM 95.5

“Namiss ko ang Pinas FM” bungad ng nag-iisang Prince of Pop na si Mr. Erik Santos ng muli siyang bumisita sa Pinas FM 95.5.

Kilalang-kilala si Erik Santos mula ng sumali siya sa isang patimpalak noong taong 2004 kung saan pa sya ang kauna-unahang naging champion dito, pagkatapos noon ay nagpatuloy na ang pagmamayagpag ni Erik sa industriya ng musika.

Ilang beses na rin natin siyang na narinig sa radio, sa ating MP3 at napapanuod rin natin siya sa telebisyon, saksi tayo kung gaano siya sumikat at kung ilang beses siya nanalo sa mga music award kaya naman walang kaduda-dudang itinanghal syang Prince of Pop.

Ang bagong single niyang “Narito Ako” ay mula sa kanyang album na Champion Reborn na inilabas pa noon taong 2015 kung saan inamin ng singer na ito ay hindi original song pero mga ka Pinas! Kung papakinggan natin mismo ang kanyang bagong single ay parang original song ito ni Mr. Erik Santos.

Ang kantang “Narito Ako” ay isa sa mga paborito niyang kantahin noong nasa highschool pa lang sya sa mga videoke.

Naibahagi niya rin na naging isang parang eksperimento ang album niya kung saan napapaloob ang kanyang bagong single. Dito ay nakasama niya ang nag-iisang Gloc 9, si Ms. Angeline Quinto, Kyla at meron din siyang kanta dito na si Ms. Yeng Constantino mismo ang nag compose.

I-follow natin ang nag-iisang Prince of Pop na si Mr. Erik Santos sa kanyang social media accounts:

Facebook: fb.com/ErikSant0s/
Twitter: @realeriksantos
Instagram: @eriksantos
Youtube: eriksantos official

(written and photos captured by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...