Latest single ng bandang Hale na “Alon,” maaari ng mapakinggan dito sa Pinas FM 95.5

00

Isang inspirational na hapon ang hatid sa atin ng ating bisita sa segment na Funbansang Hapon with DJ Chad, ito ay walang iba kundi ang bandang “Hale.” Nakilala dahil sa awiting “The Day You Said Goodnight” noong 2005, at talaga namang madami ang tumangkilik sa kanilang mga kantang inilabas.

Sa pakikipagpanayam sa kanila, napag-alaman natin na ang kanilang bagong latest single na “Alon” ay compose ni Roll. Ayon sa kaniya ang awitin ay tungkol pagbabalik tanaw sa mga nagdaang panahon.

Ayon kay Champ, ang naging preparation sa kanilang single ay umabot ng halos isang taon, ito aniya ay dahil sa iba’t-ibang schedule ng bawat isa.

Maaari itong madownload at mapakinggan sa Spotify, Applemusic at Youtube.

Para sa mga updates maaaring i-follow ang bandang Hale sa kanilang social media accounts:

Facebook: @HaleMusic
Instagram: @hale_music
Twitter: @hale_music

(written by Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube