Lance Edward sa Pinas FM 95.5

Pinakilig ng ating naging bisita na si Lance Edward ang ating hapon dito sa Pinas FM.

Ating napag-alaman na nagsimula si Lance sa pagkanta noong walong taong gulang pa lamang siya.

Isa sa malaking nakaimpluwensiya sa pagkanta niya ay kanyang tatay. Bago pa siya maging isang solo artist, si Lance ay nakasali sa isang international boyband sa loob ng dalawang taon.

Di naman niya tayo binigo ng siya ay nagsample ng “ I want it that way” ng Backstreet boys.

Inaanyayahan naman tayo ni Lance na dumalo para sa kanyang mga Upcoming Concert sa May 26 kasama si Moira sa University of Batangas.

Samantala, maaari nang i-download ang kanyang mga bagong single na ” Kung Ako Na Lang Sana”, ” I’ll Do Anything For Love” at “ I Want It That Way” sa Spotify, iTunes at iba pang digital music platform.

Para naman sa iba pang updates, ifollow lamang si Lance sa:
Instagram: @ lance.eeeee
Facebook: @ Lance Edward

(written by Marc Genre Macasaquit, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

You may also like...