Laarni Lozada sa Pinas FM 95.5

Spread the love

Isang mahusay na singer ang bumisita sa atin mga Ka-Pinas dito sa nag-iisang tahanan ng OPM, siya ay walang iba kundi si Ms. Laarni Lozada.

Si Ms. Laarni Lozada ang nanalo sa Pinoy Dream Academy (Season 2) na nilahukan ng mga mahuhusay at talentadong mga mang-aawit.

Sa kaniyang pagbisita sa atin, masaya niyang ibinalita na mayroon siyang bagong kanta na may pamagat na “Ikaw Yun.” Ang awiting ito ay magbibigay inspirasyon para sa mga taong nasaktan at naghahanap ng bagong pag-ibig na magbibigay saya sa kanilang buhay.

Ang “Ikaw Yun” ay maaari nang maidownload sa Spotify, iTunes, at iba pang downloading site, maaari na ding itong irequest at pakinggan sa ating Pambansang OPM. Kaya tutok lang sa Pinas FM 95.5.

(written and photos captured by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

 

You may also like...