L.A. Santos sa Pinas FM 95.5

00

5-4-17 LA Santos-7

Isang masayang araw na naman ang hatid ng naging bisita natin sa Pinas FM 95.5 siya ay walang iba kundi si L.A. Santos.

Dating miyembro ng isang boy singer group si L.A. Santos hanggang sa nabigyan ng pagkakataon na magsolo dahil sa angking galing sa pagkanta.
Bukod sa pagkanta ay isa din siyang actor, katunayan nito ay mayroon siyang upcoming movie na kahit first time sa larangang ito ay nakuha niya ang leading role ng pelikulang ito.

 

Sa patuloy na pakikipagpanayam kay DJ Chad ni L.A. Santos, pinaunlakan niya tayo na kantahin niya ang “Miss Terror” na patungkol sa mga babaeng nagpapahirap sa manliligaw na lalaki.

5-4-17 LA Santos-2

Upang palagi nating mapakinggan ang mga awitin ni L.A. Santos mga ka-Pinas maaari ng kumuha ng kaniyang self-titled album na naglalaman ng 10 tracks at kabilang na dito ang revival song na “When I Was Your Man.” Nagpasalamat si L.A. kay Bruno Mars dahil siya lamang ang nabigyan ng rights sa Asia na i-revive ang kantang ito.

 

 

Maraming salamat L.A. Santos sa pagbisita sa Pinas FM 95.5 ang nag-iisang tahanan ng OPM songs.

5-4-17 LA Santos-6

(written and photos captured by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube