Kulitan at Kantahan kasama ang “Banda ni Kleggy”

bandanikleggy-5Game na game sa pakikipagkantahan at pakikipagkulitan ang “Banda ni Kleggy” ng sila ay bumisita sa Pinas Fm 95.5 upang ipromote ang kanilang bagong kanta na pinamagatang “Kurakot”.
Ang kanilang bagong kanta ay tumatalakay patukoy sa nalalapit na halalan sa 2016.
Sa title pa lang ay alam na natin na ito ay para sa mga politiko na nagnanais na tumakbo at parasa mga taong umaabuso sa kapangyarihan o sa madaling salita mga taong kurakot dito sa ating bansa.
Ang “Banda ni Kleggy” na kinabibilingan nina: Kleggy Abaya–Vocals;   RyeSarmiento–Guitar; Raffy Bonifacio – Drums; Bob Canamo at Berns Cuevas sa Bass ay abala sa kanilang kabi-kabilang gigs sa iba’t-ibang unibersidad at probinsya.
Sa ngayon, ang “Banda ni Kleggy” ay isa sa mga nagpapatunay na may forever sa OPM, lalo na kung patuloy tayong makikinig sa tahanan ng nag-iisang OPM dito lang yan sa Pinas FM 95.5, mas masaya dito!
(written by Judy Anne Casamayor, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...