Keith Martin at Jamie Jem sa Pinas FM 95.5

Isang napakahusay na international artist ang nakakwentuhan natin sa Funbansang Hapon kasama si DJ
Apple , walang iba kundi si Keith Martin kasama ang isang Filipina artist na si Jamie Jem.

Nakilala si Keith Martin sa mga kanta niyang pinasikat tulad ng “Because of You,” ‘’Moment in time” at “Never Find
Someone Like You.”

Upang maipromote pa ang larangan ng musika, bumuo ng isang recording company si Keith Martin. Ito ay ang New Direction Music na binubuo ng mga aspiring artist mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Isa na nga dito si Jamie Jem na kaisa-isang Filipino artist na nakasali sa New Direction Music.

Ibinahagi at ipinarig naman sa atin ni Jamie Jem ang kanta na siya ang mismong sumulat. Ang awiting ito ay pinamagatang “
F.L.Y.” na ang ibig sabihin ay “First Love Yourself,” kung saan malapit na itong madownload sa iba’t-ibang
downloading sites.

Samantala, ipinarinig din sa atin ni Keith Martin ang isa sa mga bagong sinulat niyang kanta na pinamagatang
“ You’ll Never Know” na maaari na ding mapakinggan dito sa Pinas FM, ang nag-iisang tahanan ng OPM.

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)