Kantang ‘Hugot’ nina Miko & Gab mapapakinggan na sa Pinas FM 95.5

00

Dalawang nagagwapuhan kalalakihan ang bumisita dito sa atin sa Pinas FM. Ang bumisita sa atin upang makipagkulitan kay Dj Apple Chiu sa Funbansang Hapon ay sina Miko at Gab.

Magkasabay nating napanuod, nasubaybayan at tinilian sina Gabriel Umali at Mikko Juarez kung saan papogian at talent ang labanan sa isang reality show ng kilalang TV network.

Sa aming panayam, masaya at talagang nag-enjoy silang dalawa noong contestant pa lamang sila sa Pinoy Boy Band Superstar, naibahagi din nila na si Neil Murillo ang pinaka naging close nila habang ineere ang nasabing patimpalak.

Naikwento din ng dalawa na bago sila sumali sa nasabing contest ay may kani-kaniya silang normal na buhay. Si Mikko ay nagtatrabaho sa Canada at si Gabriel naman ay member ng isang dance group.

Pop/R&B ang genre ng dalawa at talagang swak na swak ito sa kanila, kung maaari ay mas gugustuhin nilang purong Filipino ang kanilang mga kanta.

Napag-alaman din natin na sumusulat din sila ng mga kanta, inuuna nila ang beat saka nila lalapatan ng lyrics.

Ang newest single nilang ‘Hugot’ ay tungkol daw (ayon kay Mikko) sa dalawang lalaking nag-uusap tungkol sa kani-kanilang crush o hinahangaan. Ipinagmalaki din ng dalawa na ang sumulat nito ay ang kapatid ni Mikko na si Anton Juarez.

At hindi lang dyan mga ka Pinas! May magandang balita din silang dalawa, magrerelease daw sila ulit ng ikalawa at ikatlong singles at hanggang sa makabuo na sila ng kanilang sariling album.

Ang newest single nilang ‘Hugot’ ay maaari ng mai-stream sa Spotify at Apple Music.

Abangan natin ang mga upcoming show, gigs, at updates sa buhay nina Mikko at Gab sa kanilang social media accounts:
Facebook:/MikoandGab
Twitter: @mikojuarez/@gab_umali
Instagram: @mikoandgabofficial

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube