“Julie Anne meets Christian” sa Pinas FM 95.5

christian-bautista-and-julie-anne-san-jose-2016-4284

Dalawa sa pinakamagaling at kilalang singers sa Pilipinas ang naging guest sa Pinas FM 95.5. Si Julie Anne San Jose ay isa sa mga kilala na teenage singer dito sa Pilipinas dahil sa kaniyang angking galing sa pagkanta. Katunayan nito ay ang pagiging Triple Platinum Award ng pangalawa niyang album. Samantala, si Christian Bautista naman na nanalo sa isang kilalang patimpalak, ngayon ay gumagawa na ng kaniyang sariling pangalan sa pagkanta.

Ano pa nga ba ang hindi magiging kaabang-abang kung ang Asia’s Pop Sweetheart at Asia’s Romantic Balladeer ay nagsama sa isang concert? Sa kanila na nga nagmula na kung hindi pa nakakanood ng anumang concert ngayong taon, ang kanila na ngang concert ang dapat abangan. Ayon na din sa kanila, maliban sa pagkanta, aabangan din sa kanilang concert ang pagsayaw ni Julie Anne.

christian-bautista-and-julie-anne-san-jose-2016-4272

Sinagot nilang dalawa ang katanungan kung papaano ang kanilang naging preparations sa paggawa at launching ng album. Ayon kay Christian ay sunod-sunod daw ang kanilang rehearsals. Ayon din sa kaniya, dahil tatlong araw na lang, talagang puspusan na ang kanilang ginagawang mga paghahanda. Ayon naman kay Julie Anne, gagawin na nila ang lahat para sa week na ito dahil nga naghahabol na sila ng oras.

Inamin ni Julie Anne na siya ay nae-excite at kinakabahan. Idinagdag niya pa ang “pressure din kasi hindi pa namin alam kung ano yung kalalabasan nung show. Yung flow ng show, but definitely it’s gonna be a good one”, kasabay nito ang kaniyang papuri kay Christian Bautista. Samantala, pinuri din naman ni Christian Bautista si Julie Anne at sinabihan na “she’s so young and energetic and that her future is gonna be so amazing”.

Ang kanilang concert na “Julie Anne meets Christian” ay gaganapin sa Kia Theatre sa Nobyembre 11, alas otso ng gabi. Ito ay kaabang-abang sapagkat may mga bagong kanta silang inihanda para sa kanilang fans. May Filipino at English songs din. Sa loob ng maikling oras na sila ay ating nakapanayam sa Pinas FM, mababatid natin kung gaano nila kamahal ang kanilang ginagawa.

christian-bautista-and-julie-anne-san-jose-2016-4277

(written by Gabrielle Felynn Trinidad , edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Manabat)

You may also like...