Ivy Violan sa mga nais maging isang mang-aawit: “You just don’t need to have a good voice, but also have a soul in singing.”

00

ivy-violan-2016-6

“If the passion is there, go for it”. Ito ang iniwang mensahe ni Ms. Ivy Violan sa mga kapwa nangangarap lamang noon na maging isang mang-aawit.

Beterana na kung maituturing itong si Ms. Ivy sa industriya. Mahigit tatlong dekada na rin ang lumipas mula nang una nating maulinigan ang kaniyang boses.

 

Kung may mga bagay man daw siyang pinaka-natutunan sa kaniyang pamamalagi sa napiling landasin, ito ay ang pagdating ng tama sa oras. Sa madaling salita, “always be on time”. Ito raw ay natutunan niya pa sa kay Ms. Pilita Corales. Sabi nito, ito raw ay makakatulong sakaniyang maging relax muna sa set o bago siya sumalang sa stage. Bukod raw dito, masusukat din sa ganitong pamamaraan higit sa lahat ang professionalism ng isang indibidwal.

ivy-violan-2016-2

“Always sing from the heart”. Marami raw sa panahon ngayon na tunay ngang magaganda ang tinig, matataas ang boses, ngunit nagkakatalo sa “puso” sa pagkanta. “You just don’t need to have a good voice, but also have a soul in singing”, dagdag pa ng beteranang mang-aawit.

 

Sa ngayon may latest single si Ms. Ivy at ito ay pinamagatang “Yakapin Mo Ako” na personal niyang isinulat. Ito ay sa ilalim ng produksiyon ng Viva Entertainment at ini-arrange ng batikang musical arranger na si Mr. Homer Flores.

ivy-violan-2016-7

Para sa iba pang updates, i-follow si Ms. Ivy Violan sa sumusunod:

Facebook: www.facebook.com/Composerivyviolan

(written by Azon Lopez Silverio, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos by Jacob Isais)

Tags

Listen Live!

FB Live
  program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube