” Itulog Mo Na Yan” ng Moonstar88 sa Pinas FM 95.5

4-5-17 Moonstar 88-8

Nagpasikat ng kantang “Torete” ang nakasama natin mga ka-Pinas, isa din sila sa mga respetadong banda sa ating bansa dahil sa kanilang malaking ambag sa musikang Pilipino, sila ang bandang Moonstar88.

 

Unang naglabas ng album ang Moonstar88 noong 2000 kung saan isa sa mga naging hit nilang kanta ay kantang “Torete.”

Dahil na din sa tagumpay ng una nilang album ay nasundan pa ito ng paglabas ng kanilang mga kanta at mga album.

4-5-17 Moonstar 88-3

Kaya naman mga ka-Pinas, tiyak na muli tayong pahahangain ng Moonstar88 sa kanilang bagong kanta na “Itulog Mo Na Yan”

Ang “Itulog Mo Na Yan” ay maaring maging theme song aniya ng maraming tao, tulad aniya ng mga taong napapagod sa kakaisip ng mga problema sa buhay.

 

At para naman sa updates mga ka-Pinas, maaring bisitahin ang social media accounts ng Moonstar88:

Facebook: @Moonstar88 band

Twitter: @Moonstar88

4-5-17 Moonstar 88-1

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Dexter Magno)

You may also like...