Issey Miyake Parto sa Pinas FM 95.5

Napuno ng swag ang ating Funbansang Hapon matapos tayong bisitahin ni Issey Miyake Parto.

Game na game na nakipagkuwentuhan at kulitan kay DJ Rapido ang 15-year-old dancer and singer na si Issey.

Inihandog niya sa atin ang kaniyang latest single na “Sorry Not Sorry, Goodbye” na kasalukuyan ay available na sa Apple Music, iTunes, at Spotify.

Hinihikayat niya rin ang lahat na panoorin ang music video nito sa Youtube at iboto ito sa Pinas Song Hits ng Pinas FM 95.5.

Samantala, ibinahagi niya sa atin ang kaniyang mga iniidolong K-pop groups — ito ay ang boy band group na BTS o kilala sa Korea bilang Bangtan Sonyeondan at ang girl group na Blackpink — na kaniyang inspirasyon sa paggawa ng sarili niyang choreography.

Ito naman ang mensahe niya sa mga aspiring dancer at singers na gustong sumunod sa kaniyang yapak: “Laging maging confident. Laging isipin na kaya mong abutin ang iyong pangarap.”

Para sa iba pang updates sa schedule at activities ni Issey, naririto ang kaniyang official social media accounts:

Facebook: @officialisseymiyakeparto
Twitter, Instagram: @miyaketakoyaki
YouTube: Official IsseyMiyake Parto
Musically, Tik Tok: isseymiyakeparto

(written by Phoebe Salvador, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Diana Lescano)