Isang hapon na puno ng puso ang hatid sa atin ni Leera Lauverne Alcaraz! dito lang sa Pinas FM 95.5

Spread the love

Bumisita dito sa nag-iisang tahanan ng OPM ang ating pinaspecial guest na si Leera Lauverne Alcaraz kasama ng kaniyang latest single na “Again and again.” Hindi lamang siya ang kumanta nito, ngunit siya rin ang sumulat nito sampung taon na ang nakalipas.

Dahil sa pagiging busy ni Leera Lauverne Alcaraz sa kaniyang pag-aaral noon, hindi nabigyan ng pagkakataong mapakinggan ang dati niya pang isinulat. Ngunit dahil ang kaniyang puso ay nasa linya ng pag-awit, kaniyang itinuloy ang naudlot niyang career sa musika. Sa tulong ng kaniyang manager, nabigyan ng pagkakataong marinig ang tinig ni Leera.

“When I sing, I sing from the heart. That’s what matters naman, ‘diba?” ‘Yan ang isinagot ni Leera Lauverne Alcaraz nang tanungin siya ni DJ Batoinks kung ano ang nagtutulak sa kaniya sa pagkanta. Tunay ngang mararamdaman ang puso at emosyon sa kantang “Again and again” ni Leera.

Isang inspirational qoute naman ang iniwan sa atin ni Leera Lauverne Alcaraz ito ay ang mga katagang “do everything with your heart.”

Para sa updates, maaari ninyong i-follow si Leera Alcaraz para sa kaniyang mga social media account:

Facebook:/leeralauverne.alcaraz

You may also like...