“Infatuated” ni Julz Savard sa Pinas FM 95.5

Nakakwentuhan natin sa Pinas FM 95.5 Funbansang Hapon with DJ Apple Chiu si Julz Savard.

Nakilala si Julz sa pagiging MYX VJ host, FHM model, vlogger at vocalist ng bandang Save Me Hollywood.

Inaanyayahan tayo ni Julz na suportahan ang kaniyang bagong awiting “Infatuated” na first entry niya sa Globe Live Elements Music Camp bilang isang solo artist.

Ibinahagi niya rin sa atin ang kaniyang journey sa kaniyang pagkaka panalo sa song writing competition ng Worship Collective.

Malapit nang ilabas ang kaniyang EP na pinamagatang “XXVII” sa January 18, 2019 sa Unit 27 Eastwood kasama ang kaniyang mga guests na sina Barbie Almalbis, Quest, at marami ‘pang iba.

Para sa mga iba pang mga detalye kay Julz Savard, i-follow lamang ang kaniyang mga social media accounts:

Facebook:@julzsavardofficial
YouTube: Julz Savard
Twitter:@julzsavard_
Instagram:@julzsavard

(written and photos captured by MC Ganancial)

You may also like...