Ikalabindalawang taon sa industriya ng musika ni Ronnie Liang, ibinahagi sa Pinas FM 95.5

Para sa isang Ronnie Liang, hindi biro ang kaniyang mga pinagdaanan para makarating sa rurok ng tagumpay.

Sa pagbisita ni Ronnie ibinahagi niya sa atin ang kaniyang mga naging karanasan bago siya makilala ng makasali siya sa isang reality singing TV show.

Dahil sa hirap noon ng kanilang buhay at hindi sapat ang kinikita ng kaniyang mga magulang upang matustusan ang pag-aaral nilang magkakapatid, si Ronnie mismo ang gumawa ng paraan upang mapag-aral ang kaniyang sarili. Ayon kay Ronnie, pinasok niya ang iba’t-ibang uri ng hanap-buhay para maipambayad sa kaniyang matrikula.

Andiyan na nagtrabaho siya sa isang fast-food restaurant, sa video city, tagapagbenta ng herbal at facial products, tagadeliver ng tubig at bilang modelo.

Bago naman aniya niya nakamit ang tagumpay bilang isang singer, ayon kay Ronnie mahigit 300 auditions sa iba’t-ibang mga kompetisyon ang kaniyang naging pinag-daanan. Kaya naman labis ang kaniyang naging pagpapasamalat sa tagumpay na kaniyang nakamit.

Aniya, hindi hadlang ang nasabing mga balakid upang kaagad na sumuko para maabot ang mga pangarap ng isang tao.

Sa kabila aniya ng lahat ng ito, ayon pa kay Ronnie “I believe na all things worked together. Mas maganda din siguro na talagang paghihirapan mo lahat ng achievement mo para maappreciate mo kung anong blessings ang meron ka.”

Kaya naman inihahandog sa atin ni Ronnie ang kaniyang bagong album na pinamagatang ” Ronnie Liang 12″ bilang bahagi ng selebrasyon para sa ika-labingdalawang taong matagumpay na pananatili niya sa industriya.

Maaari ng mapakinggan at iboto upang patuloy pa na makasama sa Top Ten hitlist sa Pinas FM 95.5 ang kaniyang latest single na pinamagatang “Tila”.

Narito naman ang mga social media account niya na pwedeng pwede nating i-follow:
Twitter: @ronnieliang
Instagram: @ronnieliang
Facebook:@ronnieliang

(written by Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...