Host ng MOMents na si Ms. Gladys Reyes binisita ang Pinas FM 95.5

Masayang dumalaw sa ating mga ka-Pinas ang batikang aktres na si Ms. Gladys Reyes upang magkuwento at ibahagi ang magagandang kaganapan sa kaniyang buhay.

Laking pasasalamat sa atin ni Ms. Gladys sa pagsuporta sa ika-sampung taon ng kaniyang talk show na MOMents sa NET25.

Kabilang na rin dito ang kaniyang pag-imbita sa kaniyang pinagkaka-abalahan na restaurant business na Estela.

Hindi maubusan ng kuwento ang aktres sa kaniyang mga masasayang experience mula sa kaniyang kinabibilangan na show sa TODA One I Love at tayo ay kaniyang inaanyayahan na ito ay panoorin.

Huwag kalimutang i-follow ang kanyang social media accounts para sa mga bagong updates.

Instagram: @iamgladysreyes,@moments_net25

Facebook: @momentsgprsommereux

(written by MJ Mayoralgo, photos captured by Marvin Pacog)