Gloc-9 sa Pinas FM 95.5

Muling nakipagkwentuhan at nakipagkulitan ang Awit award- winning Filipino rapper at songwriter na si Gloc-9.

Maraming humanga sa rapper lalo na sa mga nilabas nyang mga single at kantang tulad ng “Upuan”, “Simpleng Tao”, “Hari ng Tondo”, “Walang Natira”, “Takip Silim” at iba pa.

Sa muling pagkakataon, may handog sa atin si Gloc-9 na siya ang sumusulat ng kaniyang mga kanta pinamagatang “Lagi” at album na “Rotonda” kasama ang Norem.

Maaari ninyong i-download ito sa Spotify, Itunes, Apple Music at Dizzer.

“Mas kailangan mong magsipag at para makita ng mga tao para pansinin ka ng mga tao” ayon kay Gloc-9.

“Bago ilagay sa number 1 list ang pagkita ng pera, ang una dapat sa listahan ay gusto mo ang trabahong iyan”, payo ng rapper sa gustong maging katulad niya.

I-request lamang ang “Lagi” ni Gloc-9 dito sa Pinas FM 95.5 at iboto lamang ito sa Pinas Song Hits.

Para sa mga sumusuporta, maaari ninyong I-follow ang kaniyang social media accouts:
Instagram:@glocnine

(written by Diana Lescano, photos captured by Lovely Ann Cruz)

You may also like...