Gary V. Presents concert kung saan kasama si Janice Javier, ibinida dito sa Pinas FM

00

4-17-17 Janice Javier -5

Mga ka-Pinas, muli na naman tayong napahanga ng isa sa mga naging bisita natin, dahil sa kaniyang powerful na boses, siya si Janice Javier.

Nagsimula ang singing career ni Janice nang mapabilang siya sa isang choir noong EDSA Revolution para umawit ng awiting Handog sa Pilipino na isa sa mga theme song ng EDSA 1.

4-17-17 Janice Javier -4

 

Ngunit higit na nakilala si Janice Javier ng siya ay maging finalist sa The Voice Season 1.

 

Bago pa man sumali sa nasabing singing contest ay una ng nakilala si Janice bilang isang magaling na singer sa iba’t-ibang panig ng Asya tulad ng Thailand.

Kaya naman mga ka-Pinas, sa pagbisita niya sa atin ay iniimbitahan tayo ni Janice Javier na panuorin ang kaniyang mga gig at maging ang nalalapit na Gary V. presents sa Theater Solaire, sa May 12,13,19 at 20.

4-17-17 Janice Javier -1

Para sa updates, maaring bisitahin ang kaniyang social media accounts;

Facebook: @Janice B. Javier

Twitter: @yobigmamaj

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photo captured by Jobelyn Catama)

Tags

Listen Live!

FB Live
  program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube