Free Concert for Peace kasama si Cooky Chua ibinahagi sa Pinas FM 95.5

Isang magandang balita ang dala-dala ng ating bisita na si Cooky Chua kasama si Dj Moodie Jam dito sa nag-iisang tahanan ng OPM, ang Pinas FM 95.5.

Ang magandang balitang hatid sa atin ni Cooky Chua ay ang nalalapit niyang “Free Concert for Peace” sa Centris Walk Eton, QC sa September 24 (Saturday) 4-9pm.

Nakilala natin si Cooky Chua bilang vocalist ng “For Color it Red” at talaga namang napakagaling niyang singer.

Makakasama niya sa Free Concert sina Gloc 9, Johnny Danao, Ebe Dancel, Bullet Dumas, Autotelic, Jensen and the Flips, Dong Abay at Alex in Wonderland.

Ang kaniyang gaganaping concert ay hatid ng International Alert Philippines at suportado ng Australian Aid, Centris Walk Eton Centris, Pulp Magazine at Smart.
Ano pang inaantay natin mga ka Pinas? Sumugod na tayo! Free Admission din ito!

Para sa iba pang detalye, i-follow natin si Cooky Chua sa kaniyang social media accounts:

Facebook: CookyChua
Twitter: @cookychua
Instagram: @kukya

(written and photos captured by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...