First debut album ni JMartin na “Hiwaga” mapapakinggan na dito sa Pinas FM 95.5

00

Muling nagpamalas ng kanyang talento sa pag-awit ang ating Pinaspecial guest na si JMartin sa Funbansang Hapon kasama si DJ Apple Chiu.

Nakilala si JMartin bilang isa sa mga miyembro ng bandang RETRosPECT. Ibinahagi niya rin sa ating kwentuhan ang kanyang naging buhay, maging ang kultura sa Guam na itinuturing niya rin na kanyang pangalawang tahanan.

Handog ni JMartin sa ating mga ka-Pinas ang kanyang debut album na pinamagatang “Hiwaga”. Kabilang sa album na ito ang mga awiting “Mula Ngayon,” “Respeto,” “Ikaw Lang Ang Kulang” at marami pang iba na kaniya ring isinulat kasama ang isa sa mga hinahangaang kompositor na si Vehnee A. Saturno.

Maaari na rin natin itong mapakinggan at madownload sa iTunes, Spotify, Apple Music at Amazon.

Marami pa tayong mga bagong awiting pakaaabangan mula kay JMartin mga ka-Pinas!

Para sa updates, maaaring bisitahin ang kaniyang social media account:
Facebook/Twitter: JMartination/ JMartians
Instagram: JMartians

(written and photos captured by Judy Ann Lorenzana, edited by Mary Rose Faith Bonalos) 

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube