Filipino artist sa Indonesia na si Leo Consul bumisita at nagpakilig sa Pinas FM 95.5

00

Nakakaproud na araw ang inihatid sa atin ng ating naging bisita na isang Pinoy artist na nakilala sa bansang Indonesia, walang iba kundi si Leonardo Consul o mas kilala sa kaniyang screen name na Leo.

 

Dahil sa husay ni Leo Consul sa iba’t-ibang larangan katulad ng pagsulat ng libro, pagkanta at pag-arte ay nakilala siya sa bansang Indonesia. Ayon kay Leo Consul, ang pangunahing layunin niya sa pagpunta sa bansang Indonesia ay upang makapagtrabaho. Kung saan naging miyembro siya ng isang banda. Maliban dito ay naging isa ring guro sa isang international school si Leo sa Indonesia.

Ang paghohost naman ni Leo sa isang reality show ang nagbigay daan kay Leo upang mas lalong makilala sa industriya ng entertainment. Dahil na rin sa patuloy na pagsisikap at dedikasyon ay narating niya ang kaniyang kasikatan ngayon. Sa kasalukuyan ay host siya ng isang show sa Indonesia, leading man ng isang teleserye at isang singer.

Sa sandaling panahon ng kaniyang pag-uwi dito sa Pilipinas ay nabigyan tayo ng pagkakataon na mas makilala pa si Leo. Sa kaniyang pakikipanayam kay DJ Apple, pinahanga rin tayo ni Leo, sapagkat hindi lamang sa acting at singing siya mahusay, ganoon na rin sa pagluluto at pagsusulat.

Inihatid din niya sa atin ang magandang balita para sa kaniyang latest single. Tiyak na mapapaindak tayo sa kaniyang latest single Tagalog-Bahasa version na pinamagatang “Dahil Sa’Yo.”

Para sa updates kay Leo Consul maaaring i-follow ang kaniyang mga social media accounts:
Facebook: @Leonardo J. Consul (Official)
Instagram: @consulleo
Twitter: @leo_consul

(written by Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

FB Live   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube