Filipina girl group na “4th Impact” nakasama natin sa Pinas FM 95.5

00

2-2-17 4th Impact 2017-7

International girl group naman ang nagpasaya at nakipagkulitan sa atin mga Ka-Pinas. Sila ang 4th impact na isa sa mga hinahangaan girl group ngayong henerasyon.

Ang 4th impact ay kilala na sa pagsali sa mga kompetisyon dito man sa atin o sa ibang bansa, ngunit higit na nakilala ang 4th impact ng mapasali sila sa isang sikat na reality singing competition sa ibang bansa na “The X Factor – UK” at isa sila sa paboritong contestant ng mga televiewer hindi lang ng mga kababayan nating Pilipino, dahil na din sa kanilang husay sa pag-awit, at taas ng boses.

 

Bago pa man mapasabak sa The X Factor UK ang 4th impact, una ng gumawa ng pangalan sa South Korea ang girl group na ito, kaya naman masasabi natin na de kalidad ang kanilang angking talent.

 

Ngunit alam niyo ba mga Ka-Pinas? Tulad din ng ibang mga artista ay dumaan din sa mga pagsubok ang kanilang grupo, na naglagay sa kanilang isipan na itigil na lang ang pagkanta at mamuhay na lamang ng natural, ngunit dahil na din sa pagmamahal at suporta ng kanilang ina ay nagpatuloy ang 4th Impact, hanggang sa makilala na sila ng buong mundo.

2-2-17 4th Impact 2017-2

Kaya naman mga Ka-Pinas, masaya nilang ibinalita sa atin ang paglabas ng kanilang debut single title na “Unleash The Diva”, na available na sa iTunes at Spotify, at maari na ring mapanood ang music video sa YouTube.

2-2-17 4th Impact 2017-1

Para sa updates, bisitahin ang 4th Impact sa kanilang social media accounts:

Facebook:   @4thimpactOfficial

Twitter:   @4thimpactMusic

Instagram:   @4thimpactMusic

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Jodi Bustos)

Tags

Listen Live!

FB Live
  program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube