Fern sa Pinas FM 95 5!

Masayang kuwentuhan ang hatid ng ating guest sa Funbansang Hapon kasama si DJ Apple siya ay si Fernando Tan o mas kilala bilang Fern!

Si Fern ay 17 taong gulang pa lamang at nagsimulang madiskubre ang kaniyang talento sa pagkanta, pagsulat ng kanta at pagpo-produce nito noong 12 na taon pa lamang siya.

Siya ay nagsimulang makilala ng mga tao nang nabigyan siya ng opportunidad na makasama si Claudia Barretto sa isang kanta nito na “You.”

Ngayon ay mayroon na siyang dalawang sariling singles na nagngangalang “Into You” na naging number 1 sa Spotify at “Are You Mine.”

Samantala, pwede na natin panoorin ang music video ng “Into You” sa Youtube.

(written by Rocelle Magcalas, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Clarian Abarquez)