Extrapolation, nagpasiklab sa Pinas FM 95.5

00

Mga ka-pinas, isa na namang malupit na banda ang nakilala natin kamakailan, sila ay ang Extrapolation band kasama pa si Zia Quizon na siyang lead vocalist nito.

Sa ating naging panayam nalaman natin kung paano nabuo ang kanilang banda at kung sinu-sino ang kanilang mga iniidolo sa larangan ng musika.

Ayon kay Zia Quizon ang kaniyang iniidolo pagdating sa pagkanta ay ang kaniyang ina na si Zsa Zsa Padilla.

Nabuo ang bandang Exptrapolation noong 2006, at taong 2013 naman ng magkaroon sila ng kauna-unahang EP na may pamagat na “Golden Age Thinking.”

Kaya naman sa pagbisita nila sa atin, ipinakilala nila sa atin ang kanilang kantang “Feeling Better” at “Sunshine Blue.”

At sa para sa updates, maaring bisitahin ang kanilang social media accounts:

Facebook:  @ExtrapolationPH

Twitter:   @ExtrapolationPH

(written by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos, picture captured by Lovely Ann Cruz)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube