Erik Santos sa Pinas FM 95.5

Muling bumisita sa atin ang ating funbansang panauhin na si Erik Santos.

Nakasama nating makipag-kwentuhan at makipagkulitan kasama si DJ Rapido dito sa Pinas FM 95.5.

May bagong handog sa atin si Erik na latest single na “Pagbigyang Muli” kung saan makakasama niya ang Asia Song Bird Regine Velaquez-Alcasid.

Magsasagawa naman ng concert ang singer ng ika 15 taon nya sa industriya sa September 22, 2018 sa Mall Of Asia Arena.

Maraming inihandang sorpresa si Erik at maraming magiging special guest gaya nila Kyla, Christian Bautista, Moira dela Torre at marami pang iba.

I-request lamang ang “Pagbigyang Muli” ni Erik Santos sa Pinas FM 95.5 at iboto lamang ito upang masali sa ating Weekly Song Hits.

Para sa mga iba pang updates kay Erik Santos, I-like at I-follow lamang and kaniyang mga social media accounts:
Facebook: Fan page/ Erik Santos
Twitter:@realeriksantos
Instagram:@eriksantos
Youtube: Erik Santos Official

(written and photos captured by Diana Lescano, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...