Elysa V sa Pinas FM 95.5

00

Isang masayang jamming at kwentuhan ang muli nating napakinggan kasama ang 19 years old Filipino-Austalian singer at songwriter na si Elysa V na ating PinaSpecial guest sa Funbansang Hapon kasama si DJ Apple Chiu at DJ Rapido.

Ipinarinig din sa atin ni Elysa ang kanyang talento sa pagrarap na sinabayan din ni DJ Rapido. Ikinuwento rin ni Elysa kung paano niya nahasa ang kanyang boses noong siya pa ay nasa Australia.

Ayon kay Elysa, pinili niyang manirahan dito sa Pilipinas upang maibahagi ang kanyang talento sa pag-awit.

Ipinamalas din ni Elysa sa atin pagiging daynamiko ng kanyang boses sa kanyang bersyon ng “Dahil Sa’yo” ni Iñigo Pascual at “Perfect” ni Ed Sheeran.

Ayon pa kay Elysa, unti-unti niya na ring sinisimulan ang pagsusulat ng mga tagalog na awitin. At hindi lamang yan mga ka-Pinas! Bukod sa mga bagong awitin, inihahanda na rin niya ang pagkakaroon niya ng mga show at gigs para sa ating mga ka-Pinas.

Para sa updates, maaaring bisitahin ang kaniyang social media account:
Facebook: TheElysaV
Instagram/ Twitter: Elysavmusic
Youtube: Elysa V

(written by Judy Ann Lorenzana, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube