Direk Jason Paul Laxamana at Janella Salvador “So Connected” sa Pinas FM 95.5

Mga ka-Pinas nakisaya at nakipagkulitan ang isa sa mga kilalang magaling na aktres ngayon na si Janella Salvador at ang magaling na direktor na si Direk Jason Paul Laxamana.

Sa kanilang pagbisita sa atin, ikinuwento nila ang isa sa mga pelikulang inaabangan ngayon na “So Connected” kung saan katambal niya dito si Jameson Blake.

Ayon kay Direk JP Laxamana , ang “So Connected” aniya ay maka-millenial, dahil umiikot ang istorya kung paano kapowerful ang teknolohiya kahit hindi magkakilala ay naikoCONNECT.

Dagdag pa ni direk, nagsimula ang kwento ng aksidenteng mawala ni Jameson ang kaniyang cellphone at para mahanap ito ay nagdownload siya ng application (Stalkbox) na kayang makita kung saan at sino ang gumagamit ng kaniya cellphone, ang hindi niya alam, aksidente itong napunta kay Janella na isang simpleng babae, charming at makulit.

Sa patuloy na pag-iistalk ni Jameson sa kaniyang phone ay unti-unting niyang nakilala si Janella.

Mahuhulog kaya ang loob ni Jameson sa kulit na hatid ni Janella? Panuorin na ang “So Connected” para malaman ang buong istorya. Ito ay mapapanuod na sa May 23 sa mga sinehan nationwide, at sama-sama nang makiconnect sa nakakakilig nilang tambalan.

(written and photos captured by Edrian Acla, edited by Mary Rose Faith Bonalos)