“Di Na Maibabalik” ni Janelle Jamer sa Pinas FM 95.5

00

Nakilala bilang mahusay na host sa isang noontime show at aktres ang nakasama natin mga ka-Pinas, siya ay walang iba kundi si Janelle Jamer.

Matagal na panahon din nating hindi napanood si Janelle Jamer sa kadahilanang siya ay umalis ng bansa at patuloy na nag-aral upang lalo pang malinang ang kaniyang galing sa pagkanta.
Sa muling pagbabalik ni Janelle Jamer ay ibabahagi niya sa atin ang kaniyang galing sa pag-awit.

Ayon kay Janelle, matagal niya ng pinapangarap ang pagkakataon na mabigyan ng break sa pagkanta subalit noon ay iba ang naging linya ng kaniyang career sa industriya.

Dahil sa hindi pagtigil sa pag-abot ng kaniyang pangarap, ngayon ay nabigyan na si Janelle Jamer ng pagkakataon na ibahagi sa atin ang kaniyang galing sa pag-awit.

 

Kaya isang magandang awitin ang inihahandog sa atin ni Janelle na tiyak na marami ang makakarelate na mga tagapakinig, ito ay ang kaniyang latest single na “Di Na Maibabalik”.

Para sa mga nagnanais na mapakinggan ang kaniyang latest single maaari na itong mai-download sa iTunes , Spotify at sa iba pang digital stores. At kung nabitin kayo sa kanyang latest single mga ka-Pinas isang magandang balita dahil sa nito lamang August 4 ay nailabas na ang kaniyang album na naglalaman ng mga awitin na siya mismo ang nagsulat.

Maaaring i-follow ang mga social media sites ni Janelle Jamer para sa mga updates:
Facebook: @janellejamer
Instagram: @janellejamer
Twitter: @janellejamer01

(written by Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos) 

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube