“Di Magbabago” latest single ni Teejay Marquez

00

Sa pagbisita ni Teejay Marquez sa Pinas FM 95.5, maraming sa ating mga ka-Pinas ang kaniyang pinakilig.

Si Teejay Marquez ay isang aktor, commercial model, TV personality, dancer at singer. Hindi lang ng kagwapuhan kundi talaga naman isang multi-talented ang nakasama natin mga ka-Pinas.

Nakilala si Teejay Marquez ng dahil sa kaniyang pagdubsmash na naging viral sa social media sites, at dahil dito nabigyan siya ng oportunidad na makapunta sa Indonesia para makagawa ng mga proyekto.

Sa pakikipagpanayam natin kay Teejay Marquez ibinida niya sa atin ang kaniyang latest single na pinamagatang “Di Magbabago” na isinulat ng dati din nating naging guest na isang foreignoy na si Bobby Skyz.

Sa mga nagnanais na mapakinggan ang “Di Magbabago” ng buong-buo maaari itong i-download sa Spotify, iMusic, iTunes, Deezer, Spinnr at Amazon.

Para sa mga updates maaaring i-follow ang kaniyang mga social media sites na sumusunod:
Facebook: @TeejayMarquez
Twitter: @teejaymarquez
Instagram: @teejaymarquez

(written by Lovely Ann Cruz, edited and photos captured by Mary Rose Faith Bonalos)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube