Devon Seron bumisita sa Pinas FM 95.5

00

Isang napakasayang araw ang inihatid ng ating nakasamang guest with Dj Aikee dito lamang sa Pinas FM 95.5. Siya ay walang iba kundi Ms. Devon Seron upang i-promote ang kanyang bagong movie mula pa sa Korea ang “You with Me.”

Nakilala natin si Devon noong sumali siya sa isang reality show. At pagkatapos niyon ay nasubaybayan din natin siya sa mga tv show at mga pelikula na talaga namang makikita natin kung gaano siya kagaling na aktres sa industriya ng pag-arte.

Ito ang kauna-unahang beses ni Devon na maglead sa isang pelikula kung saan mga Koreano ang katambal niya sa nasabing pelikula.
Natatawang ibinahagi ni Devon na ang pinakanahirapan siya habang ginagawa nila ang pelikula ay ang pagsasalita niya ng English, pagtulog at maging ang klima ng bansang Korea.
Naikwento din ni Devon na masayang katrabaho ang kanyang mga leading men na sina Kim-Hyun-Woo at Jun-Ji-Hyoung, very gentleman sila at talagang inaalalayan nila si Devon sa kanilang set sa pelikula.

Maraming dapat pagka-abangan ang mga ka Pinas natin sa kanyang bagong pelikula, hindi lamang puro kilig mayroon ding mapupulot na aral.

Sundan natin si Devon Seron sa kanyang upcoming shows, gigs, details sa kanyang bagong movie at sa update sa buhay niya, sundan lamang natin siya sa kanyang social media accounts:

Facebook: devonseron.official
Twitter: @devonseron17
Instagram: @devonseron

(written by Cyrrel Asuncion, edited by Mary Rose Faith Bonalos, photos captured by Lovely Ann Cruz)

Tags

Listen Live!

[the_ad id="6718"]   program sched

On Air Now

Pinas FM on Youtube