Demie Fresco sa Pinas FM 95.5

Spread the love

Isang napakatalented na singer ang nakasama natin sa pambansang OPM siya ay walang iba kundi si Demie Fresco.

Si Demie Fresco ay nakilala nang siya ay sumali sa reality show na “The Voice of the Philippines” at dito ay naipakita niya ang kaniyang angking galing sa pagkanta.

Sa kasalukuyan, upang lalo pang linangin ang kaniyang talento sa pag-awit ay patuloy siya sa pag-aaral sa kursong Bachelor of Music in Music Theater.

Sa pagbisita sa atin ni Demie Fresco ay ibinahagi niya ang kaniyang revival song na “Pagdating ng Panahon” na sumikat noong 2001 na inawit ni Aiza Seguerra.

Ang “Pagdating ng Panahon” ay maaari ng mai-download sa Spotify, iTunes at Apple Music at maaari ding i-request at mapakinggan sa ating Pambansang OPM.

(written & photos captured by Lovely Ann Cruz, edited by Mary Rose Faith Bonalos)

You may also like...