“Craving For You” ni Ai Eco Ina feat. Dabo sa Pinas FM 95.5

Binisita tayo mga ka-Pinas ng Filipino-Japanese singer na si Ai Eco Ina at goodvibes ang hatid niya sa atin dito sa Pinas FM 95.5

Inawitan tayo ni Ai Eco Ina ng isa sa kanyang mga single, ang “Craving For You” featuring Dabo.

Magtatatlong buwan na ng pananatili si Ai dito sa Pilipinas at abala siya sa recording at mga audition dahil gusto niyang gumawa ng career dito sa bansa.

At nang tinanong si Ai kung sino ang gusto niyang maka-collaborate na Filipino artist, ang Ex Battalion ang kanyang sagot.

Upang malaman ang latest kay Ai Eco Ina, huwag kalimutang i-follow ang kanyang social media accounts.

Facebook: AI ECO INA
Instagram: @ai_eco_ina
Twitter: @Ai_Eco_Ina
YouTube: AI ECO INA

(written by Marvin Pacog, photos captured by Grace Era Cruz)